Saturday, October 8, 2016

     Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda. Kataga na iniwan sa atin ng  bayaning  si Gat. Jose Rizal. Ano nga ba ang kahalagahan ng wika? Ano nga ba ang dahilan kung bakit dapat nating tangkilin ang Wikang Filipino, kaysa sa wika ng mga banyaga? Bakit nga ba may wika? Ilan lamang ito sa mga tanong sa ating isipan. Mahalaga na alam natin ang bawat detalye sa wikang Pambansa ng Pilipinas. Mahalaga na atin itong pag-aralan at gamitin saan mang sulok ng mundo.

       Bawat bansa ay may kanya kanyang wika. Wika na nagpapakita at nagsasabi ng pagkakakilanlan ng isang tao. Tunay na mahalaga na ating pahalagaan at gamitin ang ating pambansang wika o ang Filipino. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng salitang wika?Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ito ay tulay kung saan makikita ang ugnayan ng bawat tao sa ating lipunan. Masasabi ko na patuloy ngang nagbabago ang wikang ating kinagisnan kumpara sa wika ngayon. Madami ng naiimbentong ibang salita na  nagpapakita ng paglawak ng ating wika. Na sabi ng ilan ay dahilan upang ang mgaa wika o salita noon ay tuluyan ng makalimutan. Natatandaan ko pa noong nauso ang salitang Jejemon, ang sabi ko noon "ang baduy". Sinabi ko sa aking sarili noong mga panahong iyon patuloy mang magbago ang ating wika, hinding jindi ko parin kakalimutan ang ating wikang kinagisnan.  



      Ating pahalagahan, alagaan at mahalin ang ating wikang pambansa. Atin itong pagyamanin at higit pang pagusbungin. Wikang Filipino ating dalhin saan mang sulok ng mundo tayo'y pupunta. Ipagmalaki ang ating pambansang wika. Ipagmalaki na ika'y  Pilipino!