Ang hindi
marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda. Kataga na
iniwan sa atin ng bayaning si Gat. Jose Rizal. Ano nga ba ang
kahalagahan ng wika? Ano nga ba ang dahilan kung bakit dapat nating tangkilin
ang Wikang Filipino, kaysa sa wika ng mga banyaga? Bakit nga ba may wika? Ilan
lamang ito sa mga tanong sa ating isipan. Mahalaga na alam natin ang bawat
detalye sa wikang Pambansa ng Pilipinas. Mahalaga na atin itong pag-aralan at
gamitin saan mang sulok ng mundo.
Bawat bansa ay
may kanya kanyang wika. Wika na nagpapakita at nagsasabi ng pagkakakilanlan ng
isang tao. Tunay na mahalaga na ating pahalagaan at gamitin ang ating
pambansang wika o ang Filipino. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng salitang
wika?Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Ito ay tulay kung saan makikita ang ugnayan ng bawat tao sa ating
lipunan. Masasabi ko na patuloy ngang nagbabago ang wikang ating kinagisnan
kumpara sa wika ngayon. Madami ng naiimbentong ibang salita na nagpapakita ng paglawak ng ating wika. Na
sabi ng ilan ay dahilan upang ang mgaa wika o salita noon ay tuluyan ng makalimutan.
Natatandaan ko pa noong nauso ang salitang Jejemon, ang sabi ko noon
"ang baduy". Sinabi ko sa aking sarili noong mga panahong
iyon patuloy mang magbago ang ating wika, hinding jindi ko parin kakalimutan
ang ating wikang kinagisnan.
Ating
pahalagahan, alagaan at mahalin ang ating wikang pambansa. Atin itong
pagyamanin at higit pang pagusbungin. Wikang Filipino ating dalhin saan mang
sulok ng mundo tayo'y pupunta. Ipagmalaki ang ating pambansang wika. Ipagmalaki na ika'y Pilipino!

No comments:
Post a Comment